Maikling landasin, di maubos lakarin. – ANINO (SHADOW)
Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – sinturon (belt)
Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – sapatos (shoes)
Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – langgam (ant)
Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. – kandila (candle)
Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan
Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
Sagot : Pako
Bugtong: Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Sagot : Alkansiya
Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot : Anino
Bugtong: Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari
Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
Bugtong: Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.
Sagot: Bituin